Wednesday, July 30, 2008

Comprehensive Analysis of Superman Returns

These are my answers to the following questions about the movie Superman Returns.

1. What was the main point of interest for you in the film Superman Returns? The plot? The Dialogue? The Setting? A Character? Something else?... Explain.

Ang nakapukaw sa aking interes ay ang mismong karakter ni Superman. Ang pagiging malakas nya at pambihira ay pinaka sentrong sentrong tema ng pelikula, ngunit ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa katarungan ay pambihira at kapansin pansin din. Marami nang palabas kung saan ang mga taga- ibang planeta ay naglalayon lamang na ipakita ang kanilang lakas at kapangyarihan upang manakop, ngunit hindi si Superman! Kung tutuusin, hindi sya nagmula sa daigdig..sya ay nagmula sa labas, hindi sya tao, sya ay mukhang tao lamang, isang alien, ngunit ang kanyang malasakit at katalagahan sa mga tao ay labis o higit pa sa isang tunay na taga daigdig.


2. In reflecting on your response to the film, which sequences do you think best represented the main point of interest (you identified in #1 above)?

Marahil ay ang article ni Loise Lane, ”Why the World Doesn’t need Superman”. Sana nga may Superman..Naisip ko, siguro naisulat yun ni Loise Lane sa pagtingin na kung lahat ng tao ay may kabutihan sa sarili at malasakit sa kapwa lalo na sa mga nahihirapan at naaapi, kung maraming mga tao ang natututo sa halimbawang pinakita ni Superman sa pagmamalasakit sa kanilang daigdig bago sya nawala ng limang taon, hindi na natin kakailanganin ng literal na Superman dahil marami ng magiging mga malilit na superman.

3. Could you identify with the character(s) who dramatized the theme? Or were you repelled by some character(s)? Explain.

Nakaka Identify ako sa sitwasyong meron sila Superman at Loise Lane. Sa bahagi ni Superman malinaw sa kanya ang misyon na tinanggap nya para sa daigdig at alam din nyang sya ay kakaiba sa mga ito, sakripisyo marahil na maituturing ang umibig sa isang babae at pagdakay lumayo ng limang taon, at pasakit naman sa kanyang pagbabalik ng si Loise Lane ay makahanap na ng ibang kasama as buhay. Ngunit hindi bat nangyayari din yan sa totoong buhay.. karanasan natin yan, minsan dahil sa tawag ng tunkulin sa bayan o sa Dios o sa pamilya ay maraming nasasakripisyo,. Mga asawang naiiwan.. mga anak na lumalaking wala ang tatay o ang nanay kaylangan umalis at mangibang bansa. Ang nagdurusa tuloy ng higit ay ang mga anak, ngunit ang matindi ay ang paghihiwalay. Sana nga gaya sa Superman Return, sa bandang Huli ang sabi nya: “Im Always Around”

4. Did the film show a conflict between good and evil? Which characters represented the good, and which the evil?

Si Superman bilang taga pagbantay ng kabutihan kasama ang mga alagad ng batas. Sa kabila naman ay si Lex Luthor at kanyang mga kasama bilang instromento ng masama.

5. How much did the hero and/or heroine seem to represent the good? Or was this the role of a significant supporting character? Explain.

Bumalik si Superman sa mundong itinuring nyang panglawang tahanan ng matapos nyang hanapin ang kanyang sariling planetang naglaho. Ang Kripton, Baon ang Mabuting Impluwensya at pangaral ng kanyang Lola sa Lupa at ang patnubay ng kanyang Amang si Halel. Nag mistulan syang taga pagligtas ng mga tao sa oras na gipit na gipit. Kapag tila imposible ang sitwasyon ay nariyan na si Superman. Ang galing! Ngunit karanasan din natin yan. Bawat mga dakilang tao ay nagsimula sa pag gabay ng malilit at kadalasan ay hindi napapansing mga tao na naka impluwesya sa kanila. Nariyan ang mga ina, ama, ate at kuya, mga professors, at mga pastor na malaking Impluwesya sa mga nagsisismulang superman..sila ang mga unsung heroes ng ating panahon, na maaring makapag turo, kung paano maging maka Dios, maka Tao, maka bayan at makakalikasan.

6. Did the “good” character(s) enable others to change or to be their “better” selves?

OO at HINDI gaano

7. If your answer was “yes” in #6 above, how did the “good” character(s) achieve this change—by some self-sacrificing attitude and behavior or by leading others beyond themselves to peace, love, etc.?

“Why The World Doest Need Superman” naisulat ito ni Loise Lane nang panahong matagal nang wala si Superman. Sa Isang pagtingin ang pagkawala ni Superman ng Limang taon ay nag bunsod ng isang pagbabago sa mga tao. Nagsasanay na muli silang mamuhay sa dati nang nakagawian. Walang Superman na inaasahan kundi ang kanilang mga sarili lamang. Nang bumalik si Superman ang dinatnan nya ay isang kakaibang daigdig. Napa- isip din sandali si Superman. kaya naman ng mga tao na wala sya. Oo marahil napwersa silang asahan ang kanilang mga sarili. Dahil inakala nilang wala na nga si Superman at pagkalipas ng iilang taon halos magawa na ng lahat na kalimututan sya. Ngunit sa muli nyang pagpapakita parang mnanumbalik at pagsandal ng mga tao sa kanya.. kahit naman nung nawala sya may mga naghahanap pa rin ng Savior sabi nya kay Loise sa habang nakalutang sila..”Do You Hear Theme? You said the world doest need a Savior but everyday I hear people crying for one” mabuti ba yun? Siguro hindi gaano.

8. How did the redeemer figure in the film resemble the portrait(s) of Jesus in the gospels? Did you notice incidents and behavior in the film which seemed to mirror gospel incidents?

Noong nagpunta sya tinutuluyan ni Loise ginamit nya yung X-ray vision nya.. Nakita nya na masaya yung mag anak sa loob.. may kakaibang nakita sa mga mata ni Superman bigla syang lumipad ng napaka taas hanggang makarating sya sa mga ulap…at parang nagpahinga sya sa liwanag ng sikat ng araw…tapos ipinakita duon ang affirmation sa kanya ng kanyang pagiging Savior sa pamamagitan ng Tinig ng kanyang Ama…”sabi you are my Son,..The father becomes the son and the son becomes the father”(di ko lang alam kung ito yung exact na sinabi) habang nababalutan sya ng Liwanag..habang pinapanuod ko yun naalala ko ang isang tagpo sa book of Mark yung binautismuhan si Hesus sa ilog, tapos may boses mula sa ulap na nag sabi ikaw ang aking pinakamamahal na anak na lubos kong kinalulugdan..

9. Did these resemblances enable you to perceive the “Christ-qualities” of the character(s)? Has this reflection brought about any change in your own perception of the Jesus in the gospels?

Yes. Yung mga struggles nya specially yung Compassion nya para magligtas ng mga taga daigdig na nangangailangan. Kahit na nga na de-deprive nya yung sarili nyang kapakanan, gusto nya kung saan may nangangailangan naroon si Superman para tumulong at magligtas. ganun din si Hesus, sa aklat ng Mateo may isang tagpo kung saan nakita ni Hesus ang mga tao, na naghihirap parang mga tupang walang pastol at sinabi duon lubos na nahabag si Hesus. Ngunit sa kwento, ang mga super Hero ay may mga kahinaan. Si superman, bagaman malakas ay maari ding manghina sa presensya ng Kryptonite. Sa makatuwid ay may limitasyon ang pwede nilang magawa at gawin. Si kung si Hesus ay may kahinaan. Marahil ay ang pag mamalasakit nya sa mga tao,dumurugo ang kanyang puso sa nakikitang kawalan ng katarungan, ngunit nalilimitahan sya kung mismong ang mga tao ang ayaw tumanggap sa kanya. Sa mateo parin nagsalita si Hesus sa isang bayan, sinabi niya “Jerusalem! Jerusalem! Ikaw na pumapatay sa mga propeta at bumabato sa mga sinugo sa iyo. Gaano kadalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak katulad ng pagtipon ng inahing manok sa kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang pakpak, ngunit ayaw ninyo”.

10. How did the character(s) who represented evil depict anti-God, anti-Christ attitudes familiar from Scriptures?

Si Lex Luthor ay maikukumpara sa character ng kaaway sa Aklat ng Ebanghelyo. Sya ay matalino, tuso at mapang linlang, kahit ang isang malakas na gaya ni Superman ay kaya niyang maihulog sa kanyang patibong..Sinabi nga nya: “Mind Over Muscles” may isang tagpo sa pinikula na muntik na nyang tuluyang matalo si Superman nang lumapag ito sa lupa na punong puno ng Kriptonite na nauna pa dito, ay ninakaw nya sa isang museum habang ginagawan ng paraan upang malihis ang atensyon ng nauna. Siya ay magnanakaw. sinabi ni Hesus naparito ang kaaway upang magnakaw, sumira at magwasak.

11. What insights into evil and its workings did these anti-God, anti-Christ figures give you?

Ang Mukha ng kasamaan ay tunay na gaya ng sinasabi ng ilan..wala itong pangit na mukha o sungay o kakatwang itsura. Bagkos madalas ito ay may mapang-akit na itsura, matalino at kahangahanga. Gaya ni karacter ni Lex Luthor. Matandang Mayamang Matalinong Mahirap Mamatay, Sa ibang konteksto. Naalala ko ang sabi ng aming Professor Velunta. “In The Gospel of Mark Satan/Devil is Any person who loves you so much, that they don’t want you to do what God wanted you to do” minsan yan ang asawa mo, O minsan naman ay ang mga magulang mo o mga taong malapit pa sayo ang sya pang nagiging hadlang para matupad ang layunin ng pagkatawag ng Dios sa buhay mo.

12. In what ways did the exploration of redeemer, Christ-figures (and anti-Christs) enhance your response to the film?

Pag tiningnan natin ang karakter ni Superman, mapapansin natin napakalungkot na buhay na nag iisa. At habang pinapanuod ko, napag gunam-gunam ko na nabubuhay tayo sa isang napaka lungkot na daigdig..malakas si Superman, nakakalipad nakakapunta kahit sa pinaka malalayong planeta. ngunit ang kalaban nyang mahigpit bukod pa kay Luthor ay ang pag iisa..kaya siguro sya pabalik balik sa bahay ni Loise Lane kapag anyong superman sya ay dahil nalulungkot sya. Sa huli ay napatunayan na kahit si Superman na isang taga pagligtas ay nangailangan din ng taga pagligtas…kakatwang panoorin yung tagpo kung saan nadala sa hospital si Superman.. ang dapat na nagliligtas ang sya ngayong inililigtas.. kaylangan pala ng bawat isa ang tagapagligtas..kahit si superman.

13. In what ways is this exercise in popular culture helpful or not helpful to you and to your ministries? Explain.

Magandang Metaphor kasi ang pop culture eh, bukod sa hindi maiiwasan dahil ito naman talaga ang pinapanuod ng ating mga miyembro at kababayan. Ang isa pa madali tayong maka relate sa mga kwento katulad ng Superman dahil hindi lang ito isinasalaysay, Napapanuod pa natin at naeentertain din tayo, ang katunayan nyan matapos nating mapanuod pinagkukwentuhan pa natin ulit kahit tayo-tayo rin ang magkakasama nung nanonood nyan. Kung panoorin natin ito sa pagtingin ng ebanghelyo o sa salaming espiritwal ay mas makakabuti sapagkat maraming mga tagpo ang maihahambing natin sa kwento ng ebanghelyo tulad ng ilang mga nabanggit ko na sa itaas. Sa halip na mag react dahil ikinukumpara si Superman O si Batman kay Hesus ay mas maganda sigurong tingnan natin ang mga karakter na ito bilang mga bahagi ng Kwentong Sumasalamin sa kwento ng ebanghelyo at ng ating pananampalaytaya.


Amen